San Rafael, Nakiisa sa 30th National Autism Consciousness Week
- SB San Rafael

- Jan 19
- 1 min read

Nakikiisa ang buong Bayan ng San Rafael sa pagdiriwang ng ika-30 National Autism Consciousness Week na may temang “Mula Kamalayan Tungo sa Gawa: Pag-unlad ng Autism-OK Philippines.”
Sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan, ipinapaabot ng lokal na pamahalaan ang kanilang buong-pusong suporta sa mga indibidwal na nasa autism spectrum at sa kanilang mga pamilya.
Layunin ng pakikiisang ito na palakasin ang pag-unawa at pagtanggap sa bawat isa. Binigyang-diin ng pamahalaang bayan ang pagsusulong ng isang inklusibo at pantay na komunidad kung saan ang bawat San Rafaeleño, anuman ang kakayahan, ay may pagkakataong umunlad at makatanggap ng sapat na suporta mula sa lipunan.
"Sama-sama nating itaguyod ang malasakit at respeto para sa mas maliwanag na kinabukasan ng lahat," mensahe ng lokal na pamahalaan para sa makabuluhang pagdiriwang na ito.





Comments