top of page

San Rafael, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Blas Ople Day


Kasabay ng pagdedeklara ng Special Working Holiday sa buong lalawigan ngayong araw, ang bayan ng San Rafael ay buong pusong nakiisa sa paggunita sa ika-99 na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Blas Fajardo Ople.


Kilala bilang "Dakilang Anak ng Bulacan" at ang "Ama ng Philippine Labor Code," si Gat. Blas Ople ay nag-iwan ng hindi matatawarang pamana sa bansa sa pamamagitan ng kanyang husay sa diplomasya, pagsusulat, at tapat na paglilingkod-bayan. Ang kanyang mga naging ambag sa proteksyon ng mga manggagawang Pilipino ay nananatiling pundasyon ng ating kasalukuyang sistema ng paggawa.


Sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pag-alala sa mga huwarang Bulakenyo gaya ni Gat. Blas Ople. Ang kanyang buhay ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat lingkod-bayan sa San Rafael na mag-alay ng talino at dedikasyon para sa ikauunlad ng sambayanan.



Comments


bottom of page