San Rafael PESO, Inilunsad ang Kauna-unahang Career Development Support Program
- SB San Rafael

- Feb 25
- 1 min read

Sa layuning ihanda ang mga kabataang San Rafaeleño sa susunod na kabanata ng kanilang buhay, matagumpay na inilunsad ng Public Employment Service Office (PESO) ang kauna-unahang Career Development Support Program (CDSP) sa ating bayan.
Ang programang ito ay isang mahalagang inisyatiba na naglalayong gabayan ang mga mag-aaral sa Grade 12 sa paggawa ng tamang desisyon para sa kanilang karera—ito man ay ang pagpapatuloy sa kolehiyo, pagpasok sa teknikal na kurso, o agad na paghahanap ng trabaho pagkatapos ng graduation.
Naging posible ang nasabing programa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng PESO at ng mga masisipag na Principal ng Carlos F. Gonzales High School at Lydia D. Villangca Trade School.
Ang CDSP ay bahagi ng patuloy na pangako at suporta nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang buong Sangguniang Bayan, na bigyang-lakas ang kabataan. Naniniwala ang pamunuan na sa pamamagitan ng tamang impormasyon at gabay, mas magiging kumpiyansa ang mga mag-aaral na harapin ang hamon ng hinaharap at maging matagumpay sa kanilang piniling larangan.





Comments