top of page

San Rafael, Pinasinayaan ang Linggo sa Pagtataas ng Watawat at Pagkilala sa Natatanging Serbisyo ng mga Kawani


Nagsimula ang linggo ng Setyembre 8, 2025, sa Bayan ng San Rafael sa pamamagitan ng isang makabuluhang seremonya ng Pagtataas ng Watawat sa harap ng Municipal Hall. Pinangunahan ito ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Sa okasyong ito, ginawaran ng pagkilala sina Edwin Dulay (Supply Officer I) at Divine Vasallo (Registration Officer I) para sa kanilang 35 taon ng tapat na paglilingkod sa bayan.

Ibinahagi rin ang mga natamong parangal mula sa ginanap na Civil Service Anniversary noong Setyembre 5, 2025, sa Malolos Sports & Convention Center, kung saan:


  • Ang Human Resource Management Office (HRMO) sa pangunguna ni Marianne Collantes ay kinilala bilang Outstanding Human Resource Management.



  • Si Jevy M. Mediante, Social Media Manager ng bayan, ay itinanghal na Zumba King.

Bilang bahagi rin ng programa, ipinakilala sina Rickson John F. Santos at Jhonalissa SD. Ligamzon bilang Hari at Reyna ng San Rafael, na kakatawan sa bayan sa nalalapit na Hari at Reyna ng Singkaban 2025 sa Lungsod ng Malolos.


Patuloy na pinatutunayan ng mga San Rafaeleño ang kanilang dedikasyon sa serbisyo at kahusayan—isang inspirasyon sa buong komunidad.

Comments


bottom of page