San Rafael, Pinatibay ang Waste Management at Manila Bay Rehab sa 4th Quarter Joint Meeting
- SB San Rafael

- Nov 28, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagtatapos ng taon, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang 4th Quarter Joint Meeting para sa Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP) ngayong araw.
Ang mahalagang pagtitipon na ito ay naglalayong tiyakin ang maayos na implementasyon ng mga programang pangkalikasan sa ilalim ng IIMT, Solid Waste, Liquid Waste, at Local Health Board.

Pinangasiwaan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), sa pamumuno ni Senior Environmental Management Specialist – OIC Rea Joy Calderon, ang nasabing pagpupulong. Dumalo rin upang magbigay ng suporta si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan.
Kabilang sa mga aktibong nakiisa sa talakayan ang mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan, San Rafael District Supervisor, Knight of Columbus at mga mga lokal na business owners.
Sa gitna ng pagpupulong, binigyang-diin ang mga updates at mahahalagang isyu, at kinakailangang hakbang upang higit pang mapalakas ang waste management, environmental compliance, at ang patuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng adbokasiya nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, katuwang ang buong Sangguniang Bayan. Ayon sa LGU, ang maayos at koordinadong pagkilos ay susi sa isang malinis, ligtas, at maunlad na San Rafael.





Comments