San Rafael, Sumunod sa DILG Memo Laban sa "Epal" Tarpaulins
- SB San Rafael

- Feb 5
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagtataguyod ng tapat at malinis na pamamahala, ipinag-utos ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang agarang pagpapatanggal ng mga tarpaulin na nakakabit sa labas ng Pamahalaang Bayan ngayong araw.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2026-006, o mas kilala bilang "Anti-Epal Law." Ang nasabing polisiya ay nagbabawal sa paglalagay ng mga pangalan o larawan ng mga opisyal ng gobyerno sa mga proyekto, kagamitan, o anunsyo ng pamahalaan na pinopondohan ng pera ng bayan.
Sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Violago at Vice Mayor Edison M. Veneracion, binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at pagsunod sa batas. Ayon sa kanila, ang mga proyekto at serbisyo ay nagmula sa buwis ng mamamayan, kaya nararapat lamang na ang kredito ay manatili sa publiko at hindi sa mga indibidwal na opisyal.





Comments