top of page

San Rafaeleño, Nagtipon para sa PrimeWater Public Hearing


Kasalukuyang nagtitipon ang mga mamamayan ng San Rafael sa Victory Coliseum para sa idinaraos na Pampublikong Pagdinig hinggil sa serbisyo at operasyon ng PrimeWater Infrastructure Corporation.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng serye ng mga konsultasyon na inorganisa ng Sangguniang Bayan upang dinggin ang mga hinaing, suhestiyon, at katanungan ng mga San Rafaeleño tungkol sa suplay at kalidad ng tubig sa ating bayan.


Dinaluhan ang pagtitipon ng mga lokal na opisyal sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Naroon din ang mga kinatawan mula sa PrimeWater upang magbigay ng paliwanag at sumagot sa mga katanungan ng publiko.


Layunin ng pagdinig na ito na magkaroon ng malinaw na kasunduan at solusyon sa mga isyung kinakaharap ng mga konsyumer. Binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan na ang bawat boses ay mahalaga upang matiyak na ang serbisyo-publiko ay tumutugon sa pangangailangan ng bawat pamilya.


Comments


bottom of page