Sangguniang Bayan, Inaprubahan ang Milyong Pisong Budget para sa mga Barangay
- SB San Rafael

- Feb 12
- 1 min read

Matagumpay na idinaos ang Ika-6 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa ilalim ng pamumuno ni Pangalawang Punong Bayan at Presiding Officer, Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga iginagalang na Kagawad.

Sa nasabing pagpupulong, naging sentro ng talakayan ang ikatlo at huling pagbasa ng mga mahahalagang kapasiyahan na magsisilbing pundasyon ng mga proyekto at serbisyo sa ating mga barangay para sa Taong 2026.
Narito ang mga inaprubahang Annual Budget ng mga sumusunod na barangay:
Brgy. Capihan: ₱11,237,048.00
Brgy. Talacsan: ₱7,905,778.00
Brgy. Ulingao: ₱7,608,304.00
Brgy. Coral na Bato: ₱5,625,398.00
Brgy. San Agustin: ₱4,814,158.00
Brgy. Sapang Pahalang: ₱3,593,014.00
Bukod sa pondo ng mga barangay, binigyang-diin din ang pagrepaso at deliberasyon sa iminumungkahing Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng DOH-TRC Bataan. Ang hakbang na ito ay naglalayong palakasin ang programa ng bayan para sa rehabilitasyon at pagbibigay ng pangmatagalang tulong sa mga nangangailangan ng interbensyong medikal.





Comments