top of page

Sangguniang Bayan, Isinusulong ang Pagbabawal sa Paggamit ng Paputok


Bilang bahagi ng kampanya para sa isang ligtas at mapayapang komunidad, isinagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang isang Pampublikong Pagdinig patungkol sa panukalang ordinansa na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng lahat ng uri ng paputok sa buong bayan.


Ang naturang ordinansa ay hindi lamang magbabawal sa paggamit ng mga paputok kundi tuluyan na ring papawalang-bisa ang Kautusang Bayan Blg. 31, Taong 1996, upang bigyang-daan ang mas mahigpit na panuntunan at kaukulang parusa sa mga lalabag. Ang pagdinig ay pinangunahan ng dalawang mahahalagang komite ng Sangguniang Bayan, Committee on Peace and Order, Public Safety and Security – sa pamumuno ni Kgg. Joel M. Veneracion at Committee on Laws, Rules and Privileges – sa pamumuno ni Kgg. Marciano DG. Sta. Maria, Jr.


Nakiisa rin sa talakayan si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion kasama ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan upang matiyak na magiging balanse at makatarungan ang pagbuo ng nasabing batas.


Dinaluhan ito ng mga Punong Barangay sa Bayan ng San Rafael, San Rafael BFP, PNP San Rafael, Mr. Joven Ong ng Dragon Fireworks, Representate ng Leegendary Fireworks, DILG LGOO Mary Joy V. Nabor at mga Hepe ng iba't ibang Tanggapan sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page