top of page

Sangguniang Bayan, Nagpaabot ng Pakikiramay sa Pamilya ng Dating Kap. Ricardo Francisco


Nagpaabot ng malalim na pakikiramay ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagpanaw ni Igg. Ricardo S. Francisco, ang iginagalang na dating Punong Barangay ng Ulingao.


Si Kap. Ricardo, o mas kilala sa kanyang tapat na paglilingkod, ay nag-alay ng mahabang panahon para sa kanyang mga kabarangay. Ang kanyang track record sa serbisyo-publiko ay nagsimula bilang Kagawad ng Barangay sa loob ng dalawang termino (1994-2002), bago siya muling pinagkatiwalaan bilang Punong Barangay ng Ulingao mula 2002 hanggang 2010.


Sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, kinilala ng Sangguniang Bayan ang kanyang mga naging ambag sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang Kapasiyahan (Resolution) sa kanyang pamilya. Ang nasabing dokumento ay simbolo ng pagkilala ng bayan sa kanyang dedikasyon at sa magandang halimbawang iniwan niya bilang isang lingkod-bayan.

Comments


bottom of page