Sangguniang Bayan, Nagpulong para sa Ika-8 Regular Session
- SB San Rafael

- Feb 25
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na tungkulin sa pagbabalangkas ng mga batas at polisiya para sa ikabubuti ng bayan, matagumpay na idinaos ang Ika-8 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng San Rafael nitong ika-23 ng Pebrero, 2026.
Ang pagpupulong ay ginanap sa Bulwagan ng Sangguniang Bayan at pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion. Katuwang ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan at mga dedikadong kawani, tinalakay sa nasabing sesyon ang mga mahahalagang resolusyon at ordinansa na naglalayong mas mapabuti ang serbisyo-publiko sa ating komunidad.





Comments