top of page

Sangguniang Bayan, Nagsagawa ng Public Hearing para sa mga Bagong Warehouse



Bilang bahagi ng masusing proseso sa pagtiyak ng maayos na pag-unlad ng lokal na ekonomiya, nagsagawa ng Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) ang Sangguniang Bayan ng San Rafael nitong nakaraang Disyembre 15, 2025.


Ang nasabing pagdinig ay pinangunahan ng ating mga mambabatas sa bayan kasama ang pakikiisa ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan, Igg. Edison M. Veneracion.


Mga Proyektong Sinuri ay ang Warehouse Building sa Brgy. Pasong Intsik na kahilingan mula sa Manila First Asia Group Realty Inc. na magtayo ng kanilang pasilidad sa naturang barangay at Optimo Warehouse sa Brgy. Caingin na aplikasyon ni Engr. Eleazar S. Estrada para sa itatayong warehouse sa Brgy. Caingin.


Hindi lamang sa loob ng bulwagan natapos ang pagdinig. Isinagawa rin ng Sangguniang Bayan ang isang Ocular Inspection sa mga lokasyon kung saan balak itayo ang mga gusali. Layunin nito na aktwal na makita ang estado ng lupa at masiguro na ang mga proyekto ay hindi makakasagabal sa kapaligiran at sa kapakanan ng mga residente sa paligid nito.


Ayon sa pamunuan, mahalaga ang mga ganitong hakbang upang matiyak na ang bawat negosyong pumapasok sa San Rafael ay sumusunod sa mga batas at nagdadala ng oportunidad para sa ating mga kababayan nang may wastong kaayusan.

Comments


bottom of page