top of page

Sangguniang Bayan ng San Rafael, Idinaos ang Ika-24 na Pangkaraniwang Pagpupulong


Bilang bahagi ng kanilang mandato na makapagtatag ng mga batas at polisiyang makabubuti sa bawat San Rafaeleño, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang kanilang ika-24 na Pangkaraniwang Pagpupulong nitong nakaraang Disyembre 15, 2025.


Ang sesyon ay pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan, Igg. Edison M. Veneracion, bilang Presiding Officer. Katuwang ang mga masisipag na Kagawad ng Sanggunian, tinalakay sa nasabing pagpupulong ang iba't ibang mahahalagang resolusyon, ordinansa, at mga usaping administratibo na nakasalang sa kanilang agenda.


Sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Edison, nananatiling prayoridad ng Sangguniang Bayan ang pagsasagawa ng mga transparent at inklusibong diskusyon.

Comments


bottom of page