top of page

SB at Local Finance Committee, Nakipagpulong sa mga Barangay Officials


Upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga proyekto sa antas ng barangay, isinagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang isang mahalagang Committee Hearing para sa pagsusuri ng kanilang mga Annual Budget.


Ang pagdinig ay pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion kasama ang mga kagalang-galang na Kagawad at mga kawani ng Sanggunian. Layunin ng pagtitipong ito na busisiin ang mga inilaang pondo ng bawat barangay upang matiyak na ito ay naaayon sa batas at tunay na makakarating sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga serbisyong pampubliko.


Naging katuwang sa nasabing hearing ang mga miyembro ng Local Finance Committee at mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay sa San Rafael. Sa pamamagitan ng dayalogong ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga barangay officials na maipaliwanag ang kanilang mga prayoridad na programa para sa taong ito.


Ayon kay "Kuya Edison," ang masusing pagrepaso sa badyet ay bahagi ng tapat at transparent na pamamahala nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at ng buong Sangguniang Bayan. Ito ay upang masigurong ang bawat sentimo ng kaban ng bayan ay magagamit sa mga proyektong makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa lahat ng San Rafaeleño.

Comments


bottom of page