SB San Rafael, Idinaos ang Ikalawang Pangkaraniwang Pagpupulong
- SB San Rafael

- Jan 14
- 1 min read

Matagumpay na idinaos ang Ikalawang Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael noong Enero 12, 2026. Ang nasabing session ay pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison Veneracion bilang Presiding Officer.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ng mga mambabatas ang mga mahahalagang mungkahi at panukalang batas na nakatuon sa kapakanan ng komunidad. Ayon kay Vice Mayor Veneracion, tinitiyak ng kanilang tanggapan na ang bawat hakbang na gagawin ng konseho ay para sa ikabubuti at ikauunlad ng bawat San Rafaeleño.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Pangalawang Punong Bayan sa lahat ng mga masisipag na Konsehal sa kanilang aktibong pakikilahok at dedikasyon sa paglilingkod. Ang regular na pagpupulong na ito ay bahagi ng tapat at maayos na pamamahala upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng bayan ng San Rafael.





Comments