SB San Rafael, Isinusulong ang HIV Awareness at Zero Open Defecation
- SB San Rafael

- Jan 24
- 1 min read

Binigyang-diin ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang kahalagahan ng kalusugan at sanitasyon sa isinagawang Committee Hearing para sa dalawang mahahalagang panukalang ordinansa.
Sa ilalim ng pamumuno ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison M. Veneracion, tinalakay ng mga kagawad ang mga sumusunod:
HIV and AIDS Ordinance: Layuning palakasin ang mga programa sa edukasyon, proteksyon, at suporta para sa mga mamamayan.
Zero Open Defecation (ZOD) Ordinance: Nakatuon sa pagtiyak na ang bawat tahanan ay may maayos na palikuran upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maiwasan ang sakit.
Ayon kay Kuya Edison, ang mga panukalang ito ay bahagi ng bisyon ng pamahalaan na matiyak ang isang malinis, ligtas, at malusog na komunidad. Sa pamamagitan ng mga batas na ito, mas mapoprotektahan ang kapakanan ng bawat San Rafaeleño at mas mapapahusay ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa ating bayan.





Comments