SB San Rafael, Isinusulong ang Ordinansa Laban sa Malalayang Pagpapagala ng Hayop
- SB San Rafael

- Nov 17, 2025
- 1 min read

Nagsagawa ng Committee Hearing ang Sangguniang Bayan (SB) ng San Rafael upang talakayin ang isang Proposed Ordinance na nagbabawal sa pagpapaligaw o malayang pagpapagala ng mga hayop sa mga pampublikong lugar sa loob ng bayan.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lokal ang lahat ng tagapag-alaga at may-ari ng mga hayop na makiisa at maging katuwang sa layuning mapanatili ang kaligtasan, kalinisan, at kapayapaan sa buong Bayan ng San Rafael.
Ang inaasahang pagpapatupad ng ordinansa ay magtitiyak na ang mga alagang hayop ay mananatiling nasa loob ng bakuran o nakakadena, at hindi makagagala sa mga pampublikong espasyo.





Comments