SB San Rafael, Isinusulong ang Proposed Anti-Bullying Ordinance
- SB San Rafael

- Nov 17, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapatibay sa kapakanan ng mga residente, isinagawa ng Sangguniang Bayan (SB) ng San Rafael ang isang Committee Hearing upang talakayin ang Proposed Anti-Bullying Ordinance ng munisipalidad. Ang isinagawang pagdinig ay base sa isang pagpaplano na isinapubliko noong Nobyembre 17.
Ang ordinansa ay isinusulong bilang patuloy na adhikain ng Pamahalaang Lokal na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at makataong kapaligiran para sa lahat ng mamamayan, lalo na sa ating mga kabataan.
Ang panukalang ito ay naglalayong maiwasan at matugunan ang anumang uri ng pang-aapi sa iba't ibang aspeto ng buhay ng isang San Rafaeleño. Kabilang sa mga sakop ng ordinansa ang pang-aapi sa paaralan, pagtiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng kampus. Cyberbullying, pagtugon sa pang-aapi na ginagawa gamit ang online platforms at social media. Pang-aapi sa Komunidad, pagsasaayos sa pag-uugali at pagpapatupad ng kaayusan sa labas ng mga institusyon.





Comments