SB San Rafael, Nagbabala Laban sa mga Ilegal na Subdivision
- SB San Rafael

- Feb 20
- 1 min read

Isang seryosong babala ang inilabas ng Sangguniang Bayan ng San Rafael para sa lahat ng mga kababayan at nagnanais na bumili ng lupa sa bayan, kaugnay ng mga ulat tungkol sa mga ilegal na subdivision na umuusbong sa mga lupang pang-agrikultura.
Batay sa monitoring ng lokal na pamahalaan, natukoy ang ilang operasyon sa mga sumusunod na barangay na ginagawang subdivision at ibinebenta nang walang kaukulang pahintulot:
Coral na Bato
Tukod
Sapang Pahalang
Pulo
Maronquillo
Ang pagbebenta ng mga unit sa mga nasabing lugar nang walang License to Sell ay malinaw na paglabag sa Presidential Decree No. 957 o ang Subdivision and Condominium Buyers’ Protective Decree. Layunin ng batas na ito na protektahan ang publiko laban sa mga mapanlinlang na transaksyon at masiguro na ang bawat lote ay rehistrado at ligtas.
Pinapayuhan ang lahat na ugaliing i-verify muna sa munisipyo ang mga permit at papeles ng developer bago pumasok sa anumang kasunduan. Ang paalalang ito ay bahagi ng adbokasiya nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. na panatilihing maayos, legal, at protektado ang bawat pamilyang San Rafaeleño.





Comments