top of page

SB San Rafael, Nagsagawa ng Blue Ribbon Committee Hearing


Bilang bahagi ng pagpapanatili ng tapat at malinis na pamamahala, nagsagawa ng Blue Ribbon Committee Hearing ang Sangguniang Bayan ng San Rafael noong Enero 12.


Ang pagdinig ay pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison Veneracion. Layunin ng aktibidad na ito na magsagawa ng masusing imbestigasyon at pagbusisi sa mga usaping may kinalaman sa kapakanan ng bayan at ng mga mamamayan.


Ayon kay Vice Mayor Veneracion, ang pagsasagawa ng ganitong mga hearing ay tungkulin ng Sanggunian upang matiyak ang transparansya at maprotektahan ang interes ng bawat San Rafaeleño. Binigyang-diin niya na ang bawat hakbang ay ginagawa upang masiguro na ang lahat ng programa at aksyon ng pamahalaan ay naaayon sa batas at para sa ikabubuti ng komunidad.

Comments


bottom of page