top of page

SB San Rafael, Nagsagawa ng Ocular Inspection sa Brgy. Sampaloc


Nagsagawa ng isang ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa isang residensyal na bahay na matatagpuan sa Barangay Sampaloc ngayong araw.



Ang inspeksyon ay pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison Veneracion kasama ang mga miyembro ng konseho. Layunin ng pagbisitang ito na aktwal na masuri ang kalagayan at istraktura ng bahay bilang bahagi ng opisyal na dokumentasyon at upang matiyak na ito ay sumusunod sa mga lokal na regulasyon ng bayan.


Ayon kay Vice Mayor Edison, ang mga ganitong hakbang ay mahalaga upang masiguro ang kaayusan ng mga itinatayong istraktura sa bawat barangay at upang mapangalagaan ang seguridad ng mga residente at ng kanilang mga kapitbahay.

Comments


bottom of page