SB San Rafael, Sinuri ang Annual Budget ng 5 Barangay
- SB San Rafael

- Feb 12
- 1 min read

Bilang bahagi ng tungkulin ng lokal na pamahalaan na matiyak ang wastong paglalaan ng pondo, isinagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang isang mahalagang Committee Hearing para sa taunang budget ng ilang mga barangay sa ating bayan.

Ang nasabing pagdinig ay pinangunahan ni Kgg. Edlin M. Indon, ang Tagapangulo ng Committee on Finance, Budget and Appropriation. Sa ilalim ng patnubay ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion at katuwang ang mga iginagalang na miyembro ng Sangguniang Bayan, masusing sinuri ang mga programang pangkabuhayan, imprastraktura, at serbisyo-publiko na nakapaloob sa Annual Budget ng mga sumusunod:
Barangay Pulong Bayabas
Barangay Pasong Intsik
Barangay Mabalas-balas
Barangay Cruz na Daan
Barangay Tambubong





Comments