SDC Track III, Matagumpay na Natapos sa Tulong ng CSC Bulacan
- SB San Rafael

- Dec 22, 2025
- 1 min read


Bilang bahagi ng patuloy na pagpapataas ng antas ng serbisyo sa mamamayan, matagumpay na idinaos ang Supervisory Development Course (SDC) Track III sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael nitong nakaraang Disyembre 2 hanggang 4, 2025.
Ang pagsasanay na ito ay isang mahalagang bahagi ng Learning and Development Program ng munisipyo na naglalayong linangin ang liderato, kakayahan, at propesyonalismo ng bawat kawaning nagsisilbi sa bayan.
Sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng capacity building. Ang SDC Track III ay nakatuon sa paghubog ng mga kawani upang maging mas epektibong tagapangasiwa at lider sa kani-kanilang mga departamento.
Naging susi sa tagumpay ng tatlong araw na pagsasanay ang pakikibahagi ni Director II Dulce J. Cochon mula sa Civil Service Commission Field Office (CSCFO) - Bulacan. Bilang Subject Matter Expert, ibinahagi ni Dir. Cochon ang kanyang malawak na kaalaman at karanasan na nagbigay ng bagong perspektibo at inspirasyon sa mga dumalo.





Comments