top of page

Serbisyo ng NAPOLCOM, Mas Inilapit sa San Rafael: Satellite Office, Pormal nang Binuksan



Isang makasaysayang hakbang para sa mas mabilis na serbisyo-publiko ang naganap matapos pormal na pasinayaan at basbasan ang bagong NAPOLCOM Region 3 Satellite Office na matatagpuan sa RCS Building ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.


Ang pagbabasbas ng bagong pasilidad ay pinangunahan ni Rdo. Msgr. Filemon M. Capiral, H.P., habang kinatawan naman ni Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente ang ating Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. Nakiisa rin sa mahalagang okasyong ito si Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.



Naging katuwang sa pagbubukas ng opisina ang mga matataas na opisyal ng naturang ahensya sa pangunguna nina Director Evangeline Almirante (Regional Director, NAPOLCOM Region 3), Atty. Arlene Castro Co (Deputy Executive Officer, NAPOLCOM), at PCOL Angel L. Garcillano (Provincial Director, Bulacan PPO).


Ang pagkakaroon ng Satellite Office sa ating bayan ay inaasahang magpapabilis sa mga transaksyon ng ating mga kapulisan at mga mamamayan na may kinalaman sa NAPOLCOM. Layunin nito na hindi na kailangan pang lumayo ng ating mga kababayan upang makakuha ng serbisyong administratibo at mapahusay ang koordinasyon para sa seguridad at kaayusan ng buong rehiyon.

Comments


bottom of page