Serbisyong Pangkalusugan ng San Rafael, Ginawaran ng Pagkilala
- SB San Rafael

- Jan 15
- 1 min read

Muling naghatid ng karangalan ang Bayan ng San Rafael matapos itong hirangin bilang isa sa mga LGU Health Scorecard Green Achievers. Ang parangal ay patunay ng mahusay, episyente, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan na ibinibigay sa mga mamamayan.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagtutulungan nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan sa pagtataguyod ng mga programang pangkalusugan.
Bukod sa parangal para sa bayan, kinilala rin ang mga sumusunod na kawani at tanggapan:
Municipal Health Office (MHO): Awardee – Outstanding Municipal Health Office
Dra. Ma. Cristina S. Vergel De Dios: Finalist – Outstanding Municipal Health Officer
Ma’am Mary Grace R. Marcellana: Awardee – Outstanding Sanitary Inspector ng Bulacan
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga parangal na ito ay simbolo ng dedikasyon at tapat na serbisyo ng mga frontliners upang mapanatiling malusog, malinis, at maunlad ang buong San Rafael.





Comments