Setyembre 29, 2025, Idineklara Bilang Special Non-Working Holiday sa San Rafael, Bulacan
- SB San Rafael

- Sep 8, 2025
- 1 min read

Sa bisa ng Proclamation No. 1019, idineklara ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, sa ngalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na ang Lunes, Setyembre 29, 2025, ay isang special (non-working) day sa Bayan ng San Rafael, Lalawigan ng Bulacan.
Ang nasabing araw ay itinakda upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Founding Anniversary ng San Rafael. Layunin ng deklarasyon na bigyan ng buong pagkakataon ang mga mamamayan ng bayan na makiisa at makisaya sa nasabing mahalagang okasyon.
Ang proklamasyon ay nilagdaan noong ika-4 ng Setyembre 2025 sa Lungsod ng Maynila.





Comments