Special Non-Working Holiday para sa Kapistahan ng Inmaculada Concepcion; Panawagan sa Pagninilay
- SB San Rafael

- Dec 8, 2025
- 1 min read

Bilang pagdiriwang sa Feast of the Immaculate Conception, idineklara ang araw na ito, Disyembre 8, bilang Special Non-Working Holiday. Nagpaabot ng paalala ang Pamahalaang Lokal, sa pamamagitan ni Vice Mayor Kgg. Edison M. Veneracion, hinggil sa kahalagahan ng okasyong ito para sa pananampalataya ng mga Katoliko.
Ang Immaculate Conception ay isang mahalagang okasyon na pinaniniwalaang ipinagbuntis si Birheng Maria nang walang bahid ng original sin (na namana kay Adan at Eba), dahil na rin nakatakda siyang maging ina ng Tagapagligtas na si Hesukristo.
Ang pagdiriwang na ito ay isa sa mga pinakamahalagang Marian feasts sa Pilipinas, na nagpapakita ng matinding debosyon ng mga Pilipino kay Birheng Maria.
Hinihikayat ni Vice Mayor Veneracion ang lahat na gamitin ang araw na ito nang may kabuluhan.





Comments