top of page

Special Working Holiday sa Pebrero 3: Pag-alala sa Kabayanihan ni Gat Blas F. Ople


Bilang pagpupugay sa isa sa pinakadakilang anak ng Lalawigan ng Bulacan, ipinapaalala ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison M. Veneracion sa lahat ng mga San Rafaeleño na sa darating na Pebrero 3, 2026, ay idineklarang Special Working Holiday sa buong lalawigan.


Ang deklarasyong ito ay bilang paggunita sa anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Blas F. Ople, ang tinaguriang Father of the Labor Code. Layunin ng pagdiriwang na ito na bigyang-halaga ang kanyang mga naging ambag bilang isang mahusay na estadista, manunulat, at tapat na lingkod-bayan na nag-iwan ng hindi matatawarang pamana sa larangan ng serbisyo publiko.


Ayon kay Kuya Edison, ang buhay at dedikasyon ni Gat Blas Ople ay nagsisilbing inspirasyon para sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan na patuloy na maglingkod nang may integridad at husay para sa ikauunlad ng ating bayan at ng buong sambayanan.

Mananatiling bukas ang mga tanggapan ng gobyerno para sa patuloy na paghahatid ng serbisyo, habang sabay-sabay nating inaalala ang kadakilaan ng isang natatanging Bulakenyo.

Comments


bottom of page