top of page

Sumpaan ng Pagmamahalan, Pinagtibay sa Munisipyo ng San Rafael


Isang masaya at makabuluhang pagtitipon ang naganap sa ating munisipyo sa pagpapatibay ng sumpaan ng tatlong pares ng mag-asawa na pinangunahan mismo ng ating Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr.



Malugod na binabati ng ating Punong Bayan at ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang mga sumusunod na nag-isang dibdib:

  • Mr. & Mrs. Rolando at Antonia De Guzman

  • Mr. & Mrs. Jan Michael at Ericka Carreon

  • Mr. & Mrs. Mark Joseph at Jilenie Santiago



Sa gitna ng seremonya, ipinaabot ni Mayor Violago ang kanyang hangad para sa isang matagumpay, matatag, at mabiyayang pagsasama ng mga bagong mag-asawa. Binigyang-diin niya na ang pundasyon ng isang maunlad na San Rafael ay nagsisimula sa mga pamilyang may pagmamahalan at pagkakaisa.


Comments


bottom of page