top of page

Tanggapan ni Mayor Violago, Patuloy na Bukas sa Publiko


Sa gitna ng serye ng mga pagpupulong at implementasyon ng mga proyekto ngayong unang buwan ng taon, binigyang-diin ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang kahalagahan ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan.


Nagpahayag ng pasasalamat ang Punong Bayan sa lahat ng mga San Rafaeleño na bumisita sa kanyang tanggapan upang magbahagi ng kanilang mga saloobin, mungkahi, at mga personal na pangangailangan. Ayon kay Mayor Violago, ang mga boses na ito ang nagsisilbing gabay ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programang mas epektibo at makabuluhan.

Comments


bottom of page