top of page

Tanggapan ni Vice Mayor Edison, Bukas para sa mga Proyekto ng mga Magulang at Guro


Muling ipinamalas ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison M. Veneracion ang kanyang suporta sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagkakaloob ng tulong sa School Parent-Teachers Association (SPTA) ng Tambubong.


Sa isang simpleng pagtitipon, binigyang-diin ni Kuya Edison na ang kanyang tanggapan ay nananatiling bukas para sa mga SPTA, na itinuturing niyang mahalagang katuwang ng pamahalaang bayan sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon. Ayon sa kanya, ang pagkakaisa ng mga magulang at guro ay susi upang maging matagumpay ang mga proyekto sa loob ng paaralan.


Ang tulong na naipagkaloob ay naglalayong suportahan ang mga inisyatibo ng SPTA Tambubong para sa ikabubuti ng mga mag-aaral. "Sana po ay makatulong ito upang maging matagumpay ang inyong mga proyekto," mensahe ni Kuya Edison, bilang pagkilala sa sakripisyo at dedikasyon ng mga magulang at guro sa paghubog ng kinabukasan ng kabataang San Rafaeleño.


Ang ugnayang ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng lokal na pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mga paaralan sa buong bayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page