top of page

Tatlong Mag-asawa, Binigyang-Basbas sa San Rafael




Isang makabuluhan at puno ng pag-ibig na hapon ang nasaksihan sa Bahay Pamahalaan ng San Rafael matapos pangunahan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang pagpapakasal sa tatlong pares ng mga kababayan nating nagpasyang pumasok sa buhay-mag-asawa.


Sa ilalim ng kapangyarihan ng batas at bilang ama ng bayan, pinagtibay ni Mayor Violago ang sumpaan ng mga sumusunod na bagong kasal:

  • Mr. & Mrs. Alexander Jr. at Mia Alyson Sun

  • Mr. & Mrs. Miles Fitzgerald at Angel Joyce Lingad

  • Mr. & Mrs. Marjun at Kristine Santiago


Sa maikling seremonya, nagpaabot ng payo ang Punong Bayan tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan, respeto, at tapat na pagmamahalan upang mapanatiling matatag ang isang pamilya. Ayon sa kaniya, ang isang matatag na komunidad ay nagmumula sa mga matatatag na tahanan.


Matapos ang seremonya, masayang nagpa-picture ang mga bagong kasal kasama ang kanilang mga pamilya at ang Punong Bayan bilang bahagi ng kanilang hindi malilimutang alaala sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa buhay.


Comments


bottom of page