Tatlong Magkapareha, Pinag-isang Dibdib sa San Rafael
- SB San Rafael

- Feb 24
- 1 min read

Sa ilalim ng sagrado at legal na seremonya, muling pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib ng tatlong pares ng mga nagmamahalan sa ating bayan.

Buong pusong nagpalitan ng kanilang "I do" sa harap ng alkalde at ng kanilang mga saksi ang mga sumusunod na bagong mag-asawa:
Mr. & Mrs. Jayson & Ma. Paula More
Mr. & Mrs. Christian Dave & Mary Joy Madronio
Mr. & Mrs. Sammuel Harold & Sarah Jessica Umali

Sa kanyang mensahe bilang "Father of the Town," binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng matatag na pundasyon ng pamilya sa pagbuo ng isang maayos na komunidad. Paalala niya sa mga bagong kasal, ang pag-unawa at pagbibigayan ang susi sa isang pangmatagalan at masayang pagsasama.
Ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael, kasama si Vice Mayor Edison M. Veneracion, ay nagpapaabot ng taos-pusong pagbati at panalangin para sa mga bagong mag-asawa. Hangad ng buong bayan ang isang buhay na punong-puno ng biyaya, pagkakaisa, at wagas na pag-ibig.





Comments