Tatlong Magkasintahan, Pinag-isang Dibdib sa San Rafael
- SB San Rafael

- Jan 15
- 1 min read


Pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib ng tatlong pares ng magkasintahan sa ginanap na seremonya ng kasalan sa bayan.
Buong kagalakang binati ng Punong Bayan at ng Pamahalaang Bayan ang mga bagong kasal na sina:
Mr. & Mrs. Jonel & Armie Castro
Mr. & Mrs. Jan David & Jessica Hudgar
Mr. & Mrs. Jeric Ace & Mary Joy Pulongbarit

Sa gitna ng pagdiriwang, nagpaabot ng kanyang personal na hangarin si Mayor Violago para sa isang matagumpay, matatag, at mabiyayang pagsasama ng mga bagong mag-asawa habang sinisimulan nila ang kanilang bagong yugto ng buhay.
Ang pagkakaloob ng serbisyo sa kasalan ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa pagbubuo ng matatag na pamilyang San Rafaeleño.





Comments