top of page

Tax Amnesty sa Amilyar, Ipinatutupad Na! Interest at Penalty, Tatanggalin


Isang malaking kaluwagan ang hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael, para sa mga may-ari ng lupa at ari-arian. Opisyal nang inanunsyo ang pagpapatupad ng Tax Amnesty sa Amilyar (Real Property Tax) upang matulungan ang mga mamamayan sa kanilang mga obligasyon sa buwis.


Sa ilalim ng programang ito, babayaran na lamang ng mga taxpayer ang kanilang pangunahing utang sa buwis (Principal Tax) at tuluyan nang aalisin ang mga naipong interest o penalty.


Mahalagang malaman ng mga San Rafaeleño ang sumusunod na impormasyon upang mapakinabangan ang nasabing amnestiya:

  • Panahon ng Pagpapatupad: Nagsimula noong ika-2 ng Enero 2025 at tatagal hanggang ika-5 ng Hulyo 2026.

  • Coverage: Sakop nito ang mga utang sa amilyar mula sa 2nd Quarter ng taong 2024 pababa. Lahat ng interes na nag-accrue o naipatong sa mga taong ito ay tatanggalin sa oras ng pagbabayad.


Para sa mga katanungan o nais malaman ang eksaktong halaga ng babayaran, maaaring makipag-ugnayan sa Municipal Treasurer’s Office.

Comments


bottom of page