Telework PH, Nangangailangan ng mga Bagong Kawani
- SB San Rafael

- Feb 24
- 1 min read

Magandang balita para sa mga naghahanap ng trabaho! Ang Public Employment Service Office (PESO) San Rafael ay inanunsyo ang mga bagong bakanteng posisyon sa TELEWORK PH, isang kompanyang matatagpuan mismo sa loob ng ating bayan sa 3F PDC Technopark Bldg., Mahogany Compound, Brgy. Tambubong.

Layunin ng inisyatibong ito nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion na mas mapalawak ang oportunidad sa trabaho para sa mga residente ng San Rafael nang hindi na kailangang lumayo pa sa kanilang pamilya.
Narito ang mga kasalukuyang hinahanap para sa kanilang team:
Onsite Customer Service Representative
Onsite Company Nurse
Onsite AI Annotator
Resource Planning Officer

Para sa mga interesadong aplikante, maaari ninyong isumite ang inyong Updated Resume sa ating PESO Office na matatagpuan sa likod ng Victory Coliseum, Municipal Compound. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na bawasan ang antas ng kawalan ng trabaho at itaguyod ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong kompanya.






Comments