The Evergreen Elfs, Naghari sa Dance Contest ng San Rafael Christmas Village; Pasok na sa Finals!
- SB San Rafael

- Dec 6, 2025
- 1 min read

Naging matagumpay at napuno ng sigla ang ginanap na Dance Contest kagabi, Biyernes, sa San Rafael Christmas Village and Bazaar, kung saan lalong nagningning ang galing sa pagsayaw ng mga lokal na grupo.
Nanguna at kinoronahan bilang 1st Placer ang grupong The Evergreen Elfs, na nagbigay sa kanila ng pangalawang slot upang pormal na makapasok sa Finals ng paligsahan.
Hindi rin nagpahuli ang MNHS Dance Troupe, na matagumpay na nag-uwi ng 2nd Placer trophy, habang nakamit naman ng SMPLC Angels ang parangal bilang 3rd Placer.
Samantala, kinilala rin ang husay ng iba pang lumahok at nakakuha ng consolation prizes ang mga grupong Rainbow Sparkle, JBTV Dancers, Tecsosian Dancers, at MNHS Zumba Group.
Ayon sa mga organizer, layunin ng patimpalak na palakasin ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng musika at pag-iindak. Ang Dance Contest ay bahagi ng mas pinalaking selebrasyon sa Christmas Village and Bazaar.
Para sa mga grupong nais pa ring sumali at makipagtagisan ng galing sa Born to be alive Christmas Remix Dance craze, nananatiling bukas ang pagpaparehistro.
Hinihikayat ang lahat ng interesado na magtungo lamang sa Mayor's Office para magpatala.





Comments