top of page

Traffic Alert: Ilang Kalsada sa San Rafael, Magsisilbing Ruta ng Fun Run Bukas; Riverside, Alternatibong Daan



Naglabas ng Traffic Advisory ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaligtasan at kaayusan ng gaganaping Run Kabataan 2025 bukas, ika-20 ng Disyembre.

Inaasahan ang pansamantalang abala sa trapiko para sa mga sasakyang papasok at lalabas sa mga apektadong lugar simula sa ganap na 4:00 AM.


Pinapayuhan ang mga motorista na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe kung dadaan sa mga sumusunod na barangay:

  • Sampaloc

  • Pinac-Pinacan

  • Pansumaloc

  • Pulong Bayabas


Upang maiwasan ang pagkakaantala, maaari pong dumaan sa Riverside bilang inyong alternatibong ruta patungo sa inyong destinasyon.


Hinihiling ng lokal na pamahalaan ang kooperasyon ng lahat. Mangyaring sundin ang mga route map,traffic personnel at marshals. Inaasahan ang inyong pakikiisa para sa tagumpay ng aktibidad na ito para sa ating kabataan.


Comments


bottom of page