Transparency sa San Rafael: Blue Ribbon Committee Hearing, Idinaos
- SB San Rafael

- Jan 17
- 1 min read

Muling nagsagawa ng Blue Ribbon Committee Hearing ang Sangguniang Bayan ng San Rafael noong Enero 15, upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa kapakanan ng publiko.
Ang pagdinig ay pinangunahan nina Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion at Igg. Edlin M. Indon, ang Tagapangulo ng Committee on Audit, Accountability, and Investigations. Layunin ng nasabing aktibidad na magsagawa ng masusing pagsusuri at imbestigasyon upang matiyak na ang bawat hakbang ng lokal na pamahalaan ay transparent at may pananagutan sa mga mamamayan.
Ayon sa pamunuan ng Sanggunian, ang ganitong mga pagdinig ay mahalaga sa pagtataguyod ng maayos na pamamahala. Sinisiguro nito na ang boses ng taumbayan ay naririnig at ang mga programa ng bayan ay naipatutupad nang wasto at naaayon sa batas para sa ikabubuti ng bawat San Rafaeleño.





Comments