top of page

Unang Gabi ng Simbang Gabi, Pinagnilayan sa San Rafael


Kasabay ng malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng mga kampana, pormal nang nagsimula ang unang gabi ng Simbang Gabi sa Bayan ng San Rafael. Ito ang hudyat ng siyam na araw ng espirituwal na paghahanda, pagninilay, at pasasalamat ng bawat deboto bago ang nalalapit na kaarawan ng ating Panginoon.


Para sa mga San Rafaeleño, ang Simbang Gabi ay hindi lamang isang tradisyon kundi isang banal na pagkakataon upang muling ilapit ang sarili sa Diyos. Sa kanyang mensahe para sa mga kababayan, binigyang-diin ni Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pamilya sa panahong ito.


Sa kabila ng ingay at saya ng mga Christmas Village at Bazaar, ang Simbang Gabi ay nagsisilbing paalala na ang tunay na sentro ng Kapaskuhan ay ang pag-ibig at pagsilang ni Kristo. Maraming pamilya ang maagang gumising at nagtipon-tipon sa mga simbahan upang makiisa sa Eukaristiya, dala ang kani-kanilang mga panalangin at hiling para sa darating na taon.



Comments


bottom of page