Unang Meeting ng mga Department Heads sa 2026, Isinagawa sa San Rafael
- SB San Rafael

- Jan 7
- 1 min read

Upang matiyak ang mas mabilis at maayos na serbisyo para sa bagong taon, agad na ipinatawag ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang lahat ng mga Department Heads at Section Chiefs para sa kanilang unang opisyal na pagpupulong ngayong 2026.
Sa nasabing pagtitipon, inilatag ni Mayor Violago ang mga pangunahing plano at prayoridad ng lokal na pamahalaan. Binigyang-diin ng Punong Bayan na ang taong ito ay nakatuon sa pagpapabuti ng mga kasalukuyang programa at paglulunsad ng mga bagong inisyatibong direktang makatutulong sa bawat pamilyang San Rafaeleño.
Pangunahing layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng iba't ibang tanggapan ng munisipyo. Ayon kay Mayor Violago, mahalaga ang pagkakaisa at maayos na komunikasyon ng bawat sangay upang masiguro na ang bawat proyekto ay maipatutupad nang episyente at walang antala.





Comments