top of page

Valentine’s Day ng Senior Citizens sa Brgy. Caingin, Binigyang-kulay ng Pamahalaang Bayan



Hindi nagpauli sa pagdiriwang ng pag-ibig ang ating mga nakatatanda matapos idaos ang isang masayang Valentine’s Day Special para sa mga Senior Citizens ng Barangay Caingin sa Caingin Elementary School kamakailan.


Ang nasabing programa, na pinangunahan ng Senior Citizen Association at ng Pamahalaang Barangay ng Caingin, ay dinaluhan ng ating Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion. Kasama rin sa nakiisa ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan at si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente upang iparamdam ang pagkalinga at pagpapahalaga ng pamahalaang lokal sa mga lolo at lola ng ating bayan.


Ayon kay "Kuya Edison," ang Valentine's Day ay hindi lamang para sa mga kabataan kundi para sa lahat ng nagmamahal, lalo na para sa mga nakatatanda na nagbigay ng malaking kontribusyon sa paghubog ng ating komunidad. Ang aktibidad ay napuno ng saya, tawanan, at mga sorpresang naglalayong bigyang-pugay ang kanilang mahalagang papel sa pamilya at sa San Rafael.



Comments


bottom of page