top of page

VAW Desk at KPK Officers, Nagkaisa para sa Kapakanan ng mga Kababaihan


Bilang paghahanda sa pagdating ng buwan ng Marso, isinagawa ang 1st Quarter Meeting ng mga KPK (Kababaihan sa Pag-unlad ng Komunidad) Officers at Barangay VAW (Violence Against Women) Desk Officers nitong ika-24 ng Pebrero, 2026.


Ang pagpupulong ay nakatuon sa pagbalangkas ng mga makabuluhang aktibidad para sa nalalapit na Women's Month Celebration 2026. Layunin ng pagtitipong ito na masiguro na ang bawat barangay sa San Rafael ay may nakahandang mga programa na magtataguyod sa karapatan, kaligtasan, at empowerment ng mga kababaihan sa ating bayan.


Sa ilalim ng suporta nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, binigyang-diin sa pulong ang mahalagang papel ng mga VAW Desk Officers bilang unang takbuhan ng ating mga kababayan sa mga barangay. Tinalakay din ang mga paraan kung paano pa mapagbubuti ang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mga organisasyon ng kababaihan.



Comments


bottom of page