top of page

Vice Mayor Edison Veneracion, Nagpaabot ng Pasasalamat sa Primeworld Holdings



Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion sa Primeworld Holdings para sa kanilang patuloy na pagtitiwala at pamumuhunan sa Bayan ng San Rafael.


Ang paglulunsad ng Enclave Subdivision ay kinikilala bilang isang mahalagang hakbang sa pag-unlad ng imprastraktura at pabahay sa lokalidad.


Ayon kay Vice Mayor Edison, ang proyektong ito ay hindi lamang basta pagtatayo ng mga gusali at kalsada. Ito ay ang pagtupad sa pangarap ng maraming pamilyang San Rafaeleño na magkaroon ng sariling tahanan.

Comments


bottom of page