top of page

Vice Mayor Edison Veneracion, Nagpasalamat sa Patuloy na Pagtitiwala ng mga San Rafaeleño


Kasabay ng pagbubukas ng mga programa para sa bagong taon, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion sa mga kababayang patuloy na dumudulog at bumibisita sa kanyang tanggapan.


Ayon kay Vice Mayor Veneracion, o Kuya Edison, ang presensya at pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan ay isang mahalagang bahagi ng epektibong pamamahala sa lehislatura at serbisyo-publiko.


Naniniwala si Kuya Edison na sa pamamagitan ng pagkakaisa at bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga opisyal at ng mamamayan, mas mabilis na makakamit ang mga pangarap at adhikain para sa ikauunlad ng San Rafael ngayong 2026.

Comments


bottom of page