Vice Mayor Veneracion: Alagaan Natin ang Kalikasan at Wildlife!
- SB San Rafael

- Dec 4, 2025
- 1 min read

Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng San Rafael sa paggunita ng World Wildlife Conservation Day ngayong araw, Disyembre 4. Nagbigay ng pahayag si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion upang pataasin ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga hayop at kanilang natural na tirahan.
Binigyang-diin ni Vice Mayor Veneracion na mas kailangan nating maging responsable at mapagmatyag dahil sa patuloy na banta ng, Habitat loss, Ilegal na panghuhuli, Climate change. Ayon sa kanya, mahalagang protektahan ang mga nilalang na walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga banta na ito. Nagbigay din siya ng isang huling makabuluhang paalala: "Alagaan natin ang kalikasan, dahil ito rin ang nag-aalaga sa atin."





Comments