Vice Mayor Veneracion, Nagbigay-Gabay Bilang Ninong sa Kasal sa Pag-iisang Dibdib nina Paulo at Jessica
- SB San Rafael

- Dec 14, 2025
- 1 min read

Naging punong-abala sa pagdiriwang ng pag-ibig si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion matapos siyang maging isa sa Principal Sponsors sa kasal ng kanyang mga inaanak na sina Paulo at Jessica nitong ngayong araw, Disyembre 14.
Ang seremonya ay ginanap sa Our Lady of Mt. Carmel Parish sa Sabang, Baliuag, Bulacan.
Nagpaabot ng pasasalamat si Vice Mayor Veneracion sa tiwalang ibinigay ng mag-asawa na maging gabay nila sa kanilang bagong yugto.
Hiniling din niya na maging matatag ang pagsasama nina Paulo at Jessica at mapuno ng pagmamahalaan ang kanilang pagsasama at mapagtagumpayan nilang magkasama ang anomang pagsubok bilang mag-asawa.





Comments