Vice Mayor Veneracion, Pinarangalan ang Sakripisyo ng mga Migrante.
- SB San Rafael

- Dec 1, 2025
- 1 min read

Pormal na sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang pagdiriwang ng Month of Overseas Filipinos ngayong Disyembre, alinsunod sa Proclamation No. 276 na nilagdaan noong 1988.
Nagbigay ng mensahe si Vice Mayor Kgg. Edison M. Veneracion upang parangalan ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Kinilala ni Vice Mayor Veneracion ang mga Overseas Filipinos dahil sa kanilang walang katumbas na sakripisyo at tibay ng loob upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.
Hindi lamang ang pamilya ang kanilang tinutulungan. Ang mga OFWs, aniya, ay walang sawang nagtataguyod ng ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng remittances at reputasyon ng bansa bilang isang matatag at masipag na lahi.
Nag-iwan ng panawagan ang Vice Mayor sa komunidad na patuloy na iparamdam ang pasasalamat, pagmamahal, at suporta sa mga OFW. Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, patuloy na binibigyang-halaga ng LGU San Rafael ang kontribusyon ng mga OFW sa pag-unlad ng bayan.





Comments