top of page

Vice Mayor Veneracion: Saludo sa 'Bagong Bayani' ng San Rafael; AYOS, Pinuri sa Walang Sawang Paglilingkod


Nagbigay-pugay si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion sa lahat ng boluntaryo ng San Rafael bilang paggunita sa International Volunteer Day (IDV) ngayong araw, Disyembre 5. Kinilala niya ang mga boluntaryo bilang "bagong bayani" ng pamayanan.


Sa kanyang mensahe, pinuri ni Vice Mayor Veneracion ang mga samahan at indibidwal na naglalaan ng oras at lakas para sa ikabubuti ng bayan.


Binigyang-diin ang dedikasyon at kahanga-hangang serbisyo ng Alliance of the Youth of San Rafael (AYOS). Kabilang sa kanilang mga gawaing nag-iiwan ng marka ay ang taunang Christmas Gift Giving, pagsama sa iba't ibang community projects, at iba pang mga boluntaryong gawain.


Ayon kay "Kuya Edison," ang dedikasyon ng mga kabataang ito ay tunay na kahanga-hanga. Idinagdag niya na bukod sa AYOS, "marami pang volunteers sa ating bayan na walang pagod na tumutulong sa ating kapwa."


Ang mensahe ay nagtapos sa isang matibay na pagpupugay mula sa LGU: "Saludo po sa inyo si Kuya Edison! Mabuhay po kayong lahat!"


Comments


bottom of page