top of page

VM Veneracion, Nanawagan ng Suporta para sa PLHIV.


Nakikiisa si Vice Mayor Edison Veneracion sa pandaigdigang paggunita ng World AIDS Day ngayong araw, Disyembre 1. Nagpaabot ng mensahe si Vice Mayor Veneracion upang palawakin ang kaalaman tungkol sa HIV at AIDS at isulong ang pagkakaisa kontra-diskriminasyon.


Ipinapaalala din ang kritikal na papel ng komunidad sa pagpigil sa pagkalat ng HIV. Binigyang-diin ang kahalagahan ng paggamit ng proteksyon, responsableng pagsusuri (HIV testing) at agarang paggagamot. Layunin nito na makamit ang wakas ng AIDS bilang banta sa kalusugan ng publiko.


Higit sa lahat, mariing nanawagan ang Vice Mayor para sa zero discrimination.

"Ang bawat People Living with HIV (PLHIV) ay karapat-dapat sa paggalang, pag-unawa, at pagsuporta ng lipunan."— Vice Mayor Edison Veneracion

Comments


bottom of page